Mga nagtitinda ng manok at baboy gayundin ng bigas sa Pasig City Mega Market, kanya-kanyang diskarte para maka-ubos ng paninda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idinaraan na lamang sa diskarte ng mga nagtitinda sa Pasig City Mega Market upang maitawid ang araw na kumita gayundin ay mabilis na maubos ang kanilang paninda.

Ito’y dahil sa nananatiling mataas ang ilang mga pangunahing bilihin dito gaya ng karne ng manok at baboy gayundin ng ilang gulay.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili namang matatag ang presyuhan ng bigas na nasa ₱47 hanggang ₱48 ang pinakamura at umaabot naman sa ₱70 ang magagandang klase.
 
Pero ang umaaray talaga rito ay ang mga nagtitinda ng manok dahil naglalaro sa ₱200 hanggang ₱220 ang kada kilo nito habang ang baboy naman ay halos humabol na sa presyo ng baka na nasa ₱350 hanggang ₱400 ang kada kilo.

Kaya naman, sinabi ng mga nagtitinda rito na para makatawid sa kanilang araw ay nagbabawas na sila ng paninda upang kahit paano’y maubos agad at makapag-uwi na sa kanilang pamilya.

Habang sa gulay naman, linggo-linggong tumataas ng ₱5 hanggang ₱10 ang presyo nito na nakadepende naman sa dami ng ibinabagsak sa kanilang suplay.

Nabatid na sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) inaasahang pumalo sa 3.4% hanggang 4.2% ang inflation rate para sa buwan ng Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo.

Kabilang sa mga nakikitang dahilan upang mangyari ito ay ang pagtaas ng presyo ng bigas, karne, isda, at gulay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us