Mga nailigtas na POGO workers, iniharap sa Kamara; Problema ng iligal na POGO, laganap rin sa ibang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniharap ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang ilang POGO workers na nailigatas mula sa mga iligal na POGO at scam farm.

Sa gitna ito ng motu proprio investigation ng House Committee on Public Order and Safety at Games and Amusements.

Matatandaan na ipinag-utos ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakaroon ng komprehensibong imbestigasyon patungkol sa pagkakasangkot ng mga POGO sa krimen gaya ng human trafficking, torture, kidnapping at iba pa.

Ang limang iniharap ay isang Malaysian na nailigtas sa Bamban, Tarlac at may tatlong Chinese na iniligtas naman sa Porac Pampanga.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, pumasok sa bansa ang naturang foreign nationals na may pangako ng ibang trabaho ngunit ipinasok sa POGO o scam farms.

Ang isa sa mga nailigtas, ikinuwento sa mga mambabatas kung paano siya tinorture.

Mayroon din isang Pilipina na na-rescue naman mula Myanmar.

Paglalahad niya, isang kamag anak ang nangako sa kaniya ng trabaho bilang encoder na kalaunan ay naging sales marketing ngunit yun pala ay scam farm pala.

Giit ni Casio, ito ay upang ipakita na hindi lang Pilipinas ang nahaharap sa problema ng POGO related crimes ngunit maging ang iba pang bansa sa ASEAN.

Ayon kay Laguna Rep. Dan Fernandez, kailangan matukoy at mapanagot ang mga nasa likod at protektor ng operasyon ng mga iligal na POGO na nagiging pugad aniya ng heinous crimes at paglabag sa karapatang pantao.

Umaasa naman ni Cavite Rep. Antonio Ferrer, na sa pamamagitan ng naturang pagdinig ay matukoy kung sinong ahensya ng pamahalaan ba ang may hurisdiksyon at dapat maghabol sa mga iligal na POGO. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us