Nakatakdang mag-ikot ngayong umaga ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) para personal na i-monitor ang unang araw ng implementasyon ng pinalawak na ₱29 Program.
Layon nitong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang ₱29 kada kilo sa mga miyembro ng 4Ps, solo parent, at senior citizen.
Magkakaroon ng 10 Kadiwa sites para sa pilot implementation ng programa simula mamayang alas-8 ng umaga.
Si DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa at PFDA GM Glen Pangapalan, tututukan ang ₱29 program sa Barangay Fortune, Marikina City.
Magtutungo naman sa PhilFIDA Compound, sa Las Piñas City si Consumer and Legislative Affairs Assistant Secretary Genevieve Guevarra.
Pangungunahan naman ni NIA Admin Eduardo Guillen ang ₱29 Program sa tanggapan ng NIA sa Quezon City habang sina
Food Terminal Incorporated (FTI) Director Joseph Lo at National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson ang tututok sa FTI Taguig.
Mayroon ding ilulunsad na ₱29 program sa Bulacan partikular sa Kadiwa site sa Brgy. Minuyan, San Jose Del Monte City.
Hinikayat ang mga kwalipikadong mamimili na magdala ng mga identification card para maka-avail ng murang bigas. | ulat ni Merry Ann Bastasa