Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang mga mahahalagang pagbabago sa Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project.
Kabilang sa mga napagkasunduan sa pulong ay ang pagpapaunlad ng mga connecting roads at interchanges sa Barangay Tunasan sa Muntinlupa City, at San Pedro, Biñan, at Cabuyao sa Laguna.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa 2027.
Bukod sa LLRN Project, inaprubahan din ng NEDA Board ang mga kondisyon para sa Bohol-Panglao International Airport Project at mga pagbabago sa Laguindingan International Airport Project.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, ang pagpapalawak ng mga paliparan sa bansa ay patunay sa pangako ng gobyerno na mapahusay ang koneksyon sa mga regional centers sa Pilipinas.
Inaasahan aniya na ang mga proyektong ito ay magpapalakas ng turismo at makakalikha ng mas maraming de-kalidad na trabaho.| ulat ni Diane Lear