Sinimulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga pamilyang naapektuhan ng armed conflict sa Del Gallego, Camarines Sur.
Aabot sa 143 pamilya mula sa kabuuang 147 ang inendorso ng local government ng Del Gallego para mabigyan ng tulong pangkabuhayan.
Bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig P20,000 livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.
Batay sa ulat, nakapagpalabas na ng mahigit P2.8 million ang DSWD Field Office 5 sa isinagawang cash aid payout sa 143 pamilya.| ulat ni Rey Ferrer