Pinunto ni Senate President Chiz Escudero ang mga maaaring ipasang panukalang batas ng Senado na makakatulong para maibsan ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Escudero, tinatalakay nila sa Mataas na Kapulungan ang mga panukalang batas tungkol sa Maritime at Sea Lanes ng Pilipinas na naglalayong mapalakas ang ating legal claim at legal na posisyon sa WPS laban sa ibang pang mga claimant countries.
Pati na rin aniya ang mga panukalang batas na naglalayong mapalakas ang ating Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi rin ng senador, na dapat ring idaan ito sa pamamagitan ng mutual action at mutual initiative ng executive branch ng pamahalaan ng Pilipinas at China bilang ang heads of state ng dalawang bansa ang chief architect ng kanilang foreign policy.
Pinahayag naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat silang magpasa ng batas na makakapagpahusay sa ating diplomatic skills, at magpapalakas sa pondo para sa ating Department of Foreign Affairs (DFA). | ulat ni Nimfa Asuncion