Nilatag ni Finance Secretary Ralph Recto mga proyekto sa ilalim ng unprogrammed appropriations na paggagamitan ng pondo na inilipat mula hindi nagamit na pondo o unutilized fund ng Philhealth.
Ayon kay Recto, ang unang P20 billion na nakuha ay ipinangbayad ng utang na COVID-19 allowances ng mga frontliners.
Kabilang rin sa mga prograamng mapopondohan sa unprogrammed appropriations ang:
- Davao City By-Pass Construction Project
- Samal Island Davao City Connector Project
- Panay-Guimaras-Negros Island Bridges
- Bataan-Cavite Interlink Bridge Project
- Metro Manila Subway Project
- Salary Standardization 6 na may halagang
P40 bilyon para sa empleyado ng pamahalaan
Karamihan aniya sa mga proyekto ay official development assistance o foreign assisted projects na kailangang gawin ng ating gobyerno.
Binigyang diin rin ng senador nakasaad na sa GAA (General Appropriations Act) ang listahan ng mga kailangang paglaanan ng unprogrammed appropriations at hindi ito pwedeng hindi sundin.
Giniit rin ni Recto na ligal at naaayon sa batas na Republic Act 11975 (2024 GAA) ang pagkolekta ng mga natutulog na pondo ng Philhealth.| ulat ni Nimfa Asuncion