Tiniyak ng National Economic and Development Authority na malawak ang sakop ng mga proyektong imprastruktura ng Marcos admin na mapapakinabangan ng lahat ng sektor.
Sa ginanap na Build Better More Infra Forum, sinabi ni Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan na kasama sa target ng gobyerno ang physical connectivity para mapalawak ang progreso sa iba pang rehiyon sa labas ng Metro Manila.
Pangunahin din aniyang tinututukan sa mga infra projects ang mass transportation kabilang ang metro manila subway at iba pang railway projects.
Ayon pa kay DBM Asec. Romeo Balanquit, kasama rin ang agriculture sector sa makikinabang sa mga infra projects na itinataguyod sa ngayon kabilang ang mga farm-to-market roads.
Sa kasalukuyan, may 185 na IFPs na nagkakahalaga ng P9.54-T ang pinupursige sa ilalim ng Build Better More Program ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Merry Ann Bastasa