Mga residente ng Marikina City, pinaghahanda sa paglikas matapos itaas ang ikalawang alarma sa Marikina River

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas na ang ikalawang alarma sa Marikina river ngayong umaga matapos umabot sa 16 na metro ang lebel ng tubig dito.

Ayon sa Marikina City Rescue 161, nangangahulugan ito na kinakailangan nang lumikas ang mga residente na nakatira sa mababang lugar bilang bahagi ng pag-iingat.

Bunsod na rin ito ng magdamag na pag-ulang naranasan sa lugar dulot ng bagyong Carina na siyang nagpapaigting pa sa hanging habagat.

Gayunman, sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na sa kabila ng ikalawang alarma sa Ilog Marikina, hindi pa rin ramdam ang pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Ito’y dahil na rin sa pinaigting na dredging acitivities o paghuhukay sa ilog sa kasagsagan ng El Niño at panahon ng taga-init.

Subalit binigyang-diin ng alkalde na hindi sila nagpapabaya at patuloy na magbabantay sa sitwasyon para maiwasan ang anumang casualties dahil sa masamang lagay ng panahon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us