Pormal na inilunsad ngayong araw ng Philippine Heath Insurance Corporation (PhilHealth) ang online platform nito sa eGovPH app.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na i-digitalize ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Pinangunahan nina PhilHealth President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, Jr. at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy ang paglulunsad ng ePhilHealth platform kasama ang iba pang mga opisyal ng dalawang ahensya.
Ayon kay PhilHealth President Ledesma, mas madali nang maa-acess at mas pinalawak pa ang mga serbisyo para sa kanilang miyembro sa tulong ng ePhilHealth platform.
Nagpasalamat din si Ledesma sa DICT sa kanilang tulong sa PhilHealth.
Sa tulong ng eGovPH app ng DICT, maaari ng ma-access ang mga serbisyo at magsagawa ng transaksyon sa PhilHealth gaya ng:
New Membership System
Digital National ID Integration
eKonsulta
Contributions
Health Insurance System, at
eClaim Sytem
Samantala, tiniyak naman ng PhilHealth na mas pinaigting ng DICT ang seguridad ng eGovPh app upang maiwasan ang mga data breach.| ulat ni Diane Lear