Ngayong araw, nasa 100 indibidwal ang binigyan ng trabaho ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Cash-For-Work Program.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, magre-repack ang mga benepisyaryo ng family food packs sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng holistic at proactive approach ng DSWD para matulungan sila na mabigyan ng pansamantalang trabaho.
Kahapon, unang binigyan ng trabaho ang unang batch na 100 katao para sa kahalintulad na trabaho.
Samantala, bukas ang DSWD para tumanggap ng gustong mag volunteer sa pagre-
repack ng food packs para madagdagan pa ang suplay nito sa NROC. | ulat ni Rey Ferrer