Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat paghandaan ang mga susunod pang bagyo na magaganap sa ilalim ng La Niña.
Sinabi ito ng Pangulo sa harap ng mga local officials ng Mauban, Quezon kasabay ng pinangunahan nitong situation briefing.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahaba-haba pa ang tatahakin ng bansa kung pag-uusapan ay pagharap sa kalamidad na dulot ng bagyo at habagat.
Pauna pa lamang, sabi ng Chief Executive ang naging paghagupit ng nagdaang bagyong Carina na sinabayan ng southwest moonsoon.,
Kaya ang paghahanda, kailangangk-aiangan, sabi ng Punong Ehekutibo.
Batay na rin sa una ng impormasyon mula sa PAGASA ay posibleng umabot ang La Niña hanggang sa first quarter ng 2025. | ulat ni Alvin Baltazar