Mga tagumpay sa 2-taong panunungkulan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, tampok sa kanyang State of the City Address

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kanyang ikalawang State of the City Address (SOCA), ibinida ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa nakalipas na dalawang taon na nagpapakitang nasa landas tungo sa kaunlaran ang lungsod.

Kasama sa tinalakay ng alkalde ang mga programa nito sa iba’t ibang sektor kasama na ang edukasyon, pabahay, digitalisasyon, negosyo, kalusugan, kabuhayan, at imprastruktura.

Kabilang dito ang paglalaan ng 537 yunit ng pabahay, pagtatayo ng mid-rise building na may 88 yunit, at pamamahagi ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation sa 442 benepisyaryo.

Nagpatupad din ito ng mga programa para sa de-kalidad na edukasyon at naglaan ng ₱154-million sa City of Malabon University upang sagutin ang buong scholarship ng 6,000 estudyante nito.

Ipinagmalaki rin nito ang pinalakas na serbisyo ng Ospital ng Malabon na nakatulong sa 59,746 residente, at naghatid ng medical assistance sa 209,595 pasyente.

Kasunod nito, sinabi ng alkalde na ang kanyang SOCA ay hindi lamang upang ipakita ang lahat ng mga nagawa ng lungsod kundi upang himukin ang mga Malabueño na aktibong makibahagi sa mga inisyatiba ng lungsod para sa mas magandang kinabukasan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us