Agad na rumesponde ang mga tauhan ng San Mateo Department of Public Order and Safety (DPOS) matapos na tumagilid ang delivery truck na may kargang mga LPG tank sa bahagi ng San Mateo-Batasan Road sa Quezon City pasado alas-12:00 ng tanghali.
Ayon sa San Mateo Rizal Public Information Office, tumagilid ang delivery truck malapit sa Batasan-San Mateo Intersection sa kalsadang patungo sa bayan ng San Mateo.
Batay sa imbestigasyon, self-accident ang nangyari at hindi rin kumalat sa kalsada ang mga kargang LPG.
Wala ring naiulat na nasawi ang nasugatan sa naturang insidente. Bagamat nagkaroon ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa lugar.
As of 2 PM, naialis na ang tumagilid na delivery truck. | ulat ni Diane Lear