Mga tsuper sa QC, umaasang makinabang sa ilalargang Fuel Subsidy at Service Contracting Program ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang ilang mga tsuper na pumapasada sa Quezon City na makasama sila sa mga benepisyaryo sa ilalargang Fuel Subsidy at Service Contracting Program ng pamahalaan.

Kasunod ito ng pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na minamadali na nila ang mga hakbang para masimulan na ang fuel subsidy para sa mga tsuper na apektado ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Mang Gil, isa siya sa nakatanggap ng fuel subsidy noon at ito ay nakatulong para makamenos ng gastos pangkrudo.

Si Mang Bert naman, hindi nakasama sa benepisyaryo noon kaya umaasang mabiyayaan na ngayon ng fuel subsidy.

Para sa mga tsuper, napapanahon na ang pamamahagi ng fuel subsidy dahil sa mataas na halaga ng krudo.

Ayon kay Secretary Bautista, napirmahan na ng iba’t ibang government agencies ang kasunduan para sa fuel subsidy.

Na-download na rin, aniya, ang pondo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagkakahalaga ng ₱2.5 billion.

Inaasahan naman ng kalihim na masimulan na ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng service contracting sa mga susunod na araw.

Ito’y dahil tapos na rin, aniya, ang proseso para sa Service Contracting Program na nakalaan namang tulong sa mga kooperatiba sa buong bansa.

Kadalasan sa ilalim ng Service Contracting Program ay isinasagawa ang libreng sakay program ng gobyerno.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us