Mga unregistered vehicle na nahuli nitong Hunyo, aabot na sa higit 10,000 – LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 10,461 motor vehicles ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa sa buwan lamang ng Hunyo ngayong taon.

Alinsunod ito sa pinaigting na kampanya ng LTO laban sa mga hindi rehistradong sasakyan o itinuturing na mga colorum.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, karamihan sa mga nahuli ay mga motorcycle na abot sa 6,824; sunod ang mga tricycle na 1,787; private vans 954; private sedans na aabot sa 451 at mga truck na abot sa 230 ang bilang. 

Sinabi ni Mendoza, na sa kabuuang bilang na 10,461 motor vehicles na nahuli; 9,212 dito ang naisyuhan ng traffic violation tickets habang ang 1,601 motor vehicles ay na-impound. 

 Ilan sa mga na-impound ay mga pampublikong sasakyan na hindi naisyuhan ng permit ng LTO.  Una nang ipinag-utos ni Mendoza sa Regional Directors na kailangan ng utos ng korte para ma-release ang mga sasakyan na mahuhuli at ma-impound sa anti-colorum drive. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us