MMDA, inilunsad ang pinahusay na Communications and Command Center para sa mas maayos na pagtugon sa mga sakuna at kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang pinahusay na Communications and Command Center (CCC).

Layon nitong mas maging epektibo ang pagresponde sa mga sakuna, kalamidad, at iba pang emergency situation sa Metro Manila.

Ang bagong CCC ay nilagyan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng surveillance at monitoring system, smart-enabled devices, at isang advanced multi-display video wall system.

Photo courtesy of MMDA

Sa pamamagitan nito, mas mabilis na makakalap at maaanalisa ng mga opisyal ang mga impormasyon na mahalaga sa paggawa ng desisyon at pagpaplano ng aksyon.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang CCC ang magsisilbing “nerve center” ng ahensya para sa information management at decision-making, lalo na pagdating sa traffic control, disaster response, at public safety.

Dumalo sa paglulunsad sina Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro, incoming Education Secretary Sonny Angara, at iba pang opisyal ng MMDA.

Samantala, kasabay nito ay isinagawa rin ng MMDA ang groundbreaking ceremony para sa kanilang limang palapag na Annex Building sa kanilang tanggapan sa Pasig City. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us