MMDA, mag-uulat ngayong araw hinggil sa nasirang navigational gate sa Navotas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatawag ng pulong ngayong araw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mag-ulat hinggil sa pinakahuling kalagayan ng nasirang navigational gate sa Navotas City.

Isasagawa ang pagpupulong sa punong tanggapan ng MMDA sa Pasig City ganap na alas-10 ng umaga.

Pangungunahan ni MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes ang pulong kasama sina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Navotas Representative Toby Tiangco, at Malabon City Mayor Jeanie Sandoval.

Kasama rin sa pulong ang mga kinatawan ng Malabon-Navotas Shipyard Association.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us