Plantsado na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa Hulyo 22.
Sa Saturday News Forum, inanunsyo ni MMDA Special Event Operations Head Emmanuel Miro na magdedeploy sila ng 1,329 tauhan sa SONA.
Sila ang mangangasiwa sa daloy ng trapiko sa mga pangungunahing lugar sa Quezon City na maapektuhan ng mga aktibidad .
Paglilinaw pa ni Miro na walang isasarang daan para sa mga motorista kaya
asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa Commonwealth at palibot ng Batasan complex.
Tiniyak din ng opisyal ang pagpapatupad ng Stop and Go Traffic Scheme lalo na sa hapon.
Inaabisuhan na ng MMDA ang mga apektadong motorista na hangga’t maaari ay iwasan na lang muna ang lugar para maiwasan ang abala. | ulat ni Rey Ferrer