Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang suporta sa Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2024.
Nakiisa sina MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, at MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas sa isinagawang Brigada Eskwela sa Neptali A. Gonzales High School sa Mandaluyong City ngayong araw.
Ayon kay Usec. Lipana, ang taunang partisipasyon ng MMDA sa Brigada Eskwela ay patunay ng kanilang dedikasyon na mabigyan ang mga mag-aaral ng maayos at ligtas na pasilidad para sa kanilang pag-aaral.
Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela, nagsagawa ang iba’t ibang opisina ng MMDA ng mga aktibidad tulad ng drainage declogging, sidewalk clearing operations, pagpipintura ng school facade at pedestrian lane, paglalagay ng mga road signages, pagkukumpuni ng mga gamit, at pagpapaskil ng no-smoking, no-vaping, at anti-dengue signages.| ulat ni Diane Lear