Tinalakay ng mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang modernisasyon ng ahensya, sa isinagawang Command Conference sa Zamboanga City.
Dumalo rin sa pagpupulong si Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino, kung saan kanyang inihayag ang buong suporta ng kagawaran sa pagsisikap ng OCD na mapahusay ang kanilang kakayan sa pagganap ng kanilang misyon.
Ang 5-taong modernization program ng OCD mula 2023 hanggang 2028 ay kinabibilangan ng 34 na proyekto sa pagpapalakas ng “tactical Programs”, paglulunsad ng “legacy projects”, pagbuo ng mga komprehensibong “resilience master plan”, at pagsasaayos ng mga panloob na operasyon.
Pinagusapan din sa pagpupulong ang paghahanda para sa mga paparating na “major activities” kabilang ang pag-host ng Pilipinas ng Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Oktubre. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OCD