Modernong pamamaraan sa pagtatanim, tinututukan na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinututukan na ng Department of Agriculture (DA) ang technology-based farming method tungo sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isa sa pangunahing tinututukan ng DA ay ang modernong pamamaraan sa pagtatanim.

Ayon sa kalihim, may ilang lalawigan na sa bansa ang gumagamit ng small water impounding systems; fertigation techniques; at drip irrigation partikular sa Hermosa at Dinalupihan, Bataan.

Aniya, ang mga nabanggit na teknolohiya ay nagpakita ng potensyal na bawasan ng hanggang 70 percent ang ginagamit na fertilizer, at hanggang 30 percent naman ang nabawas sa konsumo ng tubig.

Malaking tulong din ito para mapalaki ang kita ng mga magsasaka sa nabanggit na lalawigan.

Nangako pa si Secretary Laurel, na personal siyang magi-invest sa mga bagong teknolohiya gaya ng large-scale greenhouse facilities upang masubukan at makita ang mga benepisyo nito para sa mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us