Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang suporta ng Monetary Board sa pagpapatupad ng gobyerno ng Executive Order (EO 62) o lower import tariff in rice.
Ito’y upang tugunan ang supply-side pressures at masustine ang disinflation process.
Unang sinabi ng BSP na dahil sa epekto ng mas mababang taripa sa imported na bigas inaasahan ang patulong na pagbaba na ng inflation kasunod ng 3.7 June inflation.
Siniguro rin ng Monetary Board na ang monetary policy setting at alinsunod sa pangunahing mandato na protektahan ang price stability at sustainable growth. | ulat ni Melany-Valdoz-Reyes