Nananatiling naka-angkla ang China Coast Guard vessel 5901, na tinaguriang “monster ship,” sa Escoda Shoal.
Sa mga larawang ibinahagi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tariella, muling nakita ang barko kaninang alas-7:36 ng umaga.
Ayon kay Tariella, nasa 638 yards o kalahating kilometro na lamang ang layo nito mula sa PCG MRRV 9701 o BRP Teresa Magbanua.
Matatandaang una nang iniulat ng Philippine Navy na ang “monster ship” ng China ay 13 araw nang naka-angkla sa Escoda Shoal, na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas. | ulat ni Diane Lear