Pumalo na sa ₱135-M ang nalikom ng Department of Transportation – Special Intelligence Committee on Transportation. Ito’y buhat sa mga multa na kanilang ipinataw sa may 364 na mga sasakyan na kanilang nahuli dahil sa pagiging kolorum o hindi awtorisadong pamamasada.
Ang nasabing bilang ay batay sa datos ng SAICT mula Nobyembre ng taong 2023 hanggang nitong Hunyo ng taong kasalukuyan kung saan, Php 200,000 ang ipinapataw na multa sa Van habang Php 1M naman para sa mga bus.
Sa isang pahayag, iginiit ni Transportation Sec. Jaime Bautista na kanilang paiigtingin ang kampaniya laban sa mga sasakyang iligal na namamasada para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Kasunod niyan, nanawagan ang DOTr-SAICT na isumbong sa kanila ang mga mamamataang sasakyang mangongolorum upang agad makapagkasa ng operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala