Ibebenta na ng Department of Agriculture (DA) ang murang bigas sa iba pang lugar sa bansa simula sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., palalawakin ng gobyerno ang coverage ng Php 29 rice program hindi lamang sa Luzon.
Kampante din si Tiu Laurel na kapag bumaba na sa susunod na taon ang pandaigdigang presyo ng bigas, asahan na ring bababa ang bentahan ng bigas sa KADIWA centers.
Layon ng programa na makakuha ng comprehensive data sa rice supply, consumer demand at logistics sa planong ipatupad ito sa buong bansa.
Sa ngayon, mayroon nang 13 KADIWA outlets at inaasahang aabot sa 23 stores at tatlong provincial areas sa Agosto 1.
Pagtiyak ng DA ang paglalagay ng isang KADIWA Center sa Cebu at maaari rin sa Maguindanao.| ulat ni Rey Ferrer