Nacionalista Party, naghahanda na rin para sa pakikipag-alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, miyembro ng Nacionalista Party, na naghahanda na rin ang kanilang partido sa pakikipag-alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas na siyang partido ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isang pulong-balitaan sinabi ni Barbers na maaaring ngayong buwan ng Hulyo ay lumagda ang NP sa alyansa kasama ang PFP.

Una nang lumagda sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang partido Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition at National Unity Party.

Sinabi ni Barbers, naniniwala ang kanilang partido na dapat suportahan ang ating Pangulo nang sa ganon ay iisa lamang ang direksyon ng adhikain ng NP at ng administrasyon.

“Nationalista Party, now we are in the process of firming up yung alliance between the Nacionalista and the Partido Federal ng Pilipinas, yung PFP,” sabi ni Barbers.

“This is the party, as we all know, headed by our President. And we would like to align with them in order that we can show and manifest the support of the party sa lahat ng programa ng ating Pangulo sa pagpababago ng Pilipinas at sa pagpapaunlad nito. So soon, even probably, baka bago matapos tong buwan na ito. Magkakaroon kami ng signing of the alliance between the NP at saka yung PFP,” dagdag niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us