Muling naaresto sa Lungsod ng Makati ang isang preso na nakatakas noong Hulyo 22 mula sa stockade ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na nitong Biyernes ay na nahuli na muli si Federico Abamonga, 30-anyos na tubong Marikina, matapos ang isang pinagsamang manhunt operation ng mga puwersa ng militar at pulisya.
Si Abamonga, ay may hatol na 8 hanggang 14 na taong pagkakakulong para sa kasong homicide ayon sa utos ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 bago ito tumakas mula sa stockade ng PMA sa Fort del Pilar, Lungsod ng Baguio.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya na ng BuCor ang nakatakas na si Abamonga.
Binalaan naman ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga PDL laban sa mga pagtatangka pang tumakas, dahil mahuhuli rin umano muli ang mga ito at madadagdagan pa ang kanilang sintensya.| ulat ni EJ Lazaro