Napaulat na mataas na bentahan ng manok sa Muñoz Market, sinilip ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga nananamantala sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila.

Kasunod ito ng napaulat na bentahan ng manok sa Muñoz Market sa Quezon City na umabot sa ₱250 ang kada kilo, higit na mas mataas sa ₱200-₱210 na retail price range sa ibang pamilihan.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, pinatututukan na nila ang naturang palengke at inaalam ang posibleng dahilan kung bakit mas mataas ang benta nito ng manok kumpara sa ibang palengke.

Ito rin aniya ay isyu na dapat iparating sa Local Price Coordinating Council na may mandatong tiyakin na walang nananamantala sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke.

Kaugnay nito, aminado naman si De Mesa na tumataas talaga ngayon ang farm gate price ng manok dahil sa epekto ng El Niño sa poultry players. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us