Umabot na sa 21,000 na mga customer ng Manila Electric Company (MERALCO) ang apektado ng bagyong #CarinaPH.
Karamihan sa mga apektadong lugar ay sa Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal.
Ayon sa MERALCO, kanila namang naibalik ang serbisyo sa mga lugar na nawalan ng kuryente kahapon.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang kanilang pagsisikap na maibalik ang kuryente sa mga natitirang apektadong lugar.
Tiniyak naman ni MERALCO Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga na patuloy na nakabantay ang MERALCO sa sitwasyon at sinisiguro na walang tigil ang kanilang mga tauhan sa paggawa upang maibalik ang serbisyo sa lalong madaling panahon.| ulat ni Diane Lear