Inihayag ng Department of Education (DepEd) na gamit pa rin bilang evacuation centers ang nasa 324 na mga paaralan sa anim na rehiyon sa bansa.
Ito’y kasunod na rin ng naranasang mga pagbaha dulot ng pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina.
Partikular na tinukoy ng DepEd ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Region I (Ilocos), Region III (Central Luzon), Region IV-A (CALABARZON), at Region VI (Western Visayas).
Kasunod nito, iniulat din ng DepEd na nasa 90 paaralan sa bansa ang napinsala ng habagat at bagyong Carina kung saan, ₱630-Million ang naitalang pinsala. | ulat ni Jaymark Dagala