Umakyat na sa 36 ang iniulat na nasawi sa pinagsamang epekto ng bagyong Carina at Butchoy, at ng Habagat.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 14 sa mga iniulat na nasawi ang kumpirmado, habang patuloy pang bina-validate ang nalalabi.
5 sa kumpirmadong nasawi ay sa Calabarzon, 4 sa Region 9, 2 sa Region 3, at tig-isa sa Region 10, 11 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Habang bina-validate pa ang 15 iniulat na nasawi sa National Capital Region (NCR), 5 sa Calabarzon, at tig-isa sa Region 1 at BARMM.
Kinumpirma din ng NDRRMC ang dalawang iniulat na sugatan sa Region 10, habang 4 na iniulat na sugatan sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang patuloy pang bina-validate kasama ang 2 iniulat na nawawala sa Region 1 at isa sa Region 10. | ulat ni Leo Sarne