Natitirang higit P27-B na healthcare allowance ng health workers, maibibigay na ngayong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na maibibigay na ngayong 2024 ang nalalabing P27.7 billion na healthcare allowance ng mga healthcare workers sa bansa.

Mula ito sa kabuuang P75 billion, na inilaan para sa medical frontliners ng bansa noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nasa P60 billion ang una nang naipamahagi ng gobyerno.

Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa, na sa cabinet meeting kahapon, sinabi ng DBM na hindi na kasali ang programa sa 2025 National Expenditure Program (NEP).

“Well, ang maganda po, may balita ako niyan kasi na-discuss namin iyong National Expenditure Program, iyong budget for next year. Eh, sabi ni Secretary Pangandaman, wala na doon iyong budget ng allowance. Sabi ko, “Bakit wala?” “Mukhang kaya na naming ibigay this year.”” -Sec Herbosa

Paliwanag aniya ng DBM, ngayon taon pa lamang kasi hahanapan at tatapusin na ng pamahalaan ang pamamahagi sa allowance na ito.

“Mukhang maibibigay na ng national government iyong remaining P27 billion pa iyon eh na hindi pa namin na-allocate para mabayaran na lahat. So, iyon ang good news dito – unang-una ninyong maririnig dito sa programa.” -Sec Herbosa” | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us