Para kay Sen. Risa Hontiveros, klarong banta sa kaayusan at seguridad ng Pilipinas ang pagkakatuklas ng libu-libong fake birth certificates sa Davao del Sur.
Reaksyon ito ni Hontiveros sa pagkakatuklas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mahigit isanlibong (1,200) na dayuhang nabigyan ng fake birth certificate sa Davao del Sur, kung saan natuklasan na karamihan sa mga nakakuha ng birth certificate ay mga Chinese.
Panawagan ni Hontiveros, dapat nang tigilan ang pagkapagkalakal sa ating pagka-Pilipino dahil hindi ito pwedeng bilhin o ibenta.
Nabunyag na aniya sa mga nakaraang pagdinig ng Senado na nagagamit ng mga sindikato ang pekeng pagka Pilipino sa pagsasagawa ng mga iligal na aktibidad.
Kaugnay nito nito, nangako ang mambabatas na ipagpapatuloy lang ng mataas na kapulungan ang pagsiyasat sa ganitong nakakaalarmang trend.
Kabilang rin sa mga nais pang malaman ni Hontiveros kung sino ang nagkukunsinte ng ganitong kalakaran at saang bahagi pa ng Pilipinas ito nangyayari.| ulat ni Nimfa Asuncion