Ipinaliwanag ni Finance Secretary Ralph Recto na ang kanilang inilabas na memorandum circular na nagaatas sa Philippine Health Insurance Corp (Philhealth) na i-remit sa National Treasury ang kanilang unused government subsidy.
Sa pre-SONA briefing, dinepensahan ni Recto na naayon sa batas ang ginawa ng kagawaran at ito ay alinsunod sa atas din ng Kongreso.
Aniya kanila rin kinunsulta ang Government Commission for GOCC, Office of the Government Corporate Counsel at Commission on Audit bago ni-remit ang unused funds.
Ayon kay Recto, ang remittance ng Philhealth na hindi nagamit na pondo o unused funds ay nasa P89.9 billion at P100 billion naman mula sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay inaasahan magpapalago ng ekonomiya ng 0.8 percentage points.
Aniya ang mga natutulog na pondo o government subsidies ay gagamitin para suportahan ang mga proyekto ng gobiyerno.
Paliwanag pa ng kalihim na ang paggamit ng unprogrammed funds mula sa Government Owned and Controlled Corporations ay lilikha ng trabaho para sa tinatatayang 600,000 na mga Pilipino.
Wala naman aniyang dapat ipangamba dahil meron pang P500 billion na unused government subsidy ang Philhealth.| ulat ni Melany V. Reyes