Navotas solon, nais panagutin ang kompanya na nakasira sa kanilang flood gate

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aniya kung operational lang ang lahat ng 81 flood gate pumping station ay hindi malala ang baha sa kanilang lugar.

Nakikipag-ugnayan aniya sya ngayon sa MMDA para posibleng kaso na isampa sa may ari ng bangka at tugboat na nakasira sa flood gate.

“We’re studying the legal options available to make those responsible for the damage of the navigational gate accountable. Ang iniisip natin dito ay ‘yong mga pamilyang Navoteño na binaha dahil sa pagkasira ng floodgate. Hindi biro ang dinaranas nila ngayon kaya kailangan din makipag-usap muli sa MMDA para malaman anong kaso ang maaaring isampa,” sabi ni Tiangco.

Nasira ang floodgate matapos mabangga ng isang barko at pilit pang hinatak ng tugboat kahit pa sinabihan na ng mga tauhan ng flood gate na bawal dumaan.

Giit niya hindi sana ito problema kung hindi pinwersa ng apat na tugboat ang paghila sa vessel nila na nakasira ng floodgate.

“Napalaking perwisyo ang idinulot ng pagkasira ng floodgate dahil ito ang humaharang sa pagpasok ng tubig kapag high tide. Hindi sana nahihirapan ang mga Navoteño ngayon kung hindi nasira ang floodgate, dahil kakayanin ng 81 pumping stations na makontrol ang taas ng baha. Mas malala pa nga ang sitwasyon noong bagyong Ondoy, pero kontrolado ng Navotas LGU ang baha kahit na mas konti pa ang pumping stations,” ani Tiangco.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us