Pinapurihan ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawigin ang access sa mas murang bigas para sa mga Pilipino.
Ito ay kasunod ng anunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na daragdagan nila ang Kadiwa outlets na magbebenta ng P29 kada kilo ng bigas sa 23 tindahan mula sa labintatlo.
“The sustained efforts of this administration to lower the price of basic commodities, including Filipino staples like rice, shows its steadfast commitment to fulfill its promises. With this program, Filipinos from vulnerable households and sectors are given some economic relief as they gain access to low-cost goods for their families,” sabi ni Tiangco.
Kada benepisyaryo ay maaaring makabili ng P29 kada kilo na kinabibilangan ng mga 4Ps, solo parents, senior citizens, at PWD.
Ngayong linggo na sa 1,500 na Navoteños ang nakabili ng tig-limang kilo ng bigas sa mas murang halaga.
“We are grateful to President Bongbong for his efforts to ensure Navoteños can have access to low-cost rice through the Kadiwa ng Pangulo program. The local government of Navotas hopes to continuously work with the national government in delivering basic services that are truly relevant to the needs of our constituents,” wika pa niya.
Pinuri din ni Tiangco ang effort ng pamahalaan na gawing prayoridad ang agricultural development at isulong ang kapakanan ng mga magsasaka.
Kasama na dito ang contract-farming program na plano ng National Irrigation Authority at DA.
Suportado rin ng mambabatas ang hangarin ni Speaker Martin Romualdez na makamit ang rice self-sufficiency pagsapit ng 2028.
“I am one with the House leadership in pushing for efforts that will modernize and develop the country’s agricultural sector. Not only will it improve the lives of farmers and fisherfolks, it will also significantly contribute to food security of Filipinos,” sabi pa ni Tiangco.| ulat ni Kathleen Forbes