NBI Director Santiago at COMELEC Chair Garcia, nakatakdang magpulong ngayong araw 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Chairperson George Erwin Garcia ng Commission on Elections (COMELEC) ang nakatakdang pagpupulong ngayon araw nila ni Director Jimmy Santiago ng National Bureau of Investigation (NBI). 

Ito ay para mag-courtesy call ang bagong NBI Director mula nang siya ay italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Sinabi ni Chair Garcia, sasamantalahin niya ang pagkakataon para talakayin ang kaso ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. 

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ng NBI na nag-match ang fingerprint ni Mayor Guo sa isang Guo Hua Ping. 

Ayon sa COMELEC, maaari silang magsagawa ng moto propio investigation sa kaso ni Guo na posibleng pagbawi sa proklamasyon nito sa pagiging alkalde ng Bamban, Tarlac.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us