Hinimok na ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang suspendidong Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo na sumuko na sa mga awtoridad.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na manhunt operations para matunton ang kinaroroonan ng alkalde.
Ayon kay NBI Director Santiago, hindi madedehado si Guo kung sa NBI na ito susuko.
Pinayuhan din nito ang suspendidong alkalde na humarap na muli ng personal sa pagdinig ng Senado.
Sa ngayon, tiniyak naman ng NBI chief na hindi sila humihinto hanggat hindi natutukoy ang kinaroroonan ni Guo. | ulat ni Merry Ann Bastasa