NBI, nakakumpiska ng kabuuang P13-M halaga ng pekeng produkto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa kabuuang P13 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago nakatanggap ng reklamo ang NBI kaugnay sa talamak na bentahan ng pekeng produkto ng Huawei Technologies Co., Ltd. sa lungsod ng Maynila.

Sa bisa ng 12 search warrants, sinalakay ng mga operatiba ng NBI ang mga business establishment at nasamsam ang may P1 million halaga ng pekeng produkto ng Huawei products.

Sinalakay din ng NBI ang ilang establishments sa Manila, Paranaque at Quezon City na nagbebenta naman ng fake na Victoria’s Secret at Bath & Body Works products.

Aabot sa P12,282,500 ang kabuuang halaga ng nakumpiska dito ng mga otoridad

Dahil dito, kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang kinakaharap ng lahat ng nasa likod ng bentahan ng fake products na nakumpiska ng NBI. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us