Inanyayahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang publiko na panoorin at pakinggan ang dalawang araw na POST-SONA discussions.
Ayon sa NEDA, dito inaasahang ilalatag ng iba’t ibang kagawaran ang detalyadong ulat hinggil sa kanilang mga nagawa sa ikalawang taon ng administrasyong Marcos.
Nakatutok ang talakayan ngayong araw sa food security at economic development na siyang bungad sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon.
Unang mag-uulat sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Office of the Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, at Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.
Gayundin sina Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Tourism Secretary Ma. Christina Frasco, Agriculture Secretary Francisco Tiu – Laurel, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, at iba pa.
Matutunghayan ang livestreaming ng POST-SONA discussions sa mga social media platform ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala