On track ang pamahalaan sa mga infrastructure flagship projects ng Administrasyong Marcos.
Ito ang tiniyak ni National Economic and Development Authortiy (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa pagdalo nito sa Build Better More Infrastructure Forum ng PCO ngayong araw.
Ayon sa kalihim, kumikilos ang buong gabinete ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., para masigurong magtutuluy tuloy ang usad ng mga proyektong pang-imprastruktura at walang maaantala sa mga ito.
May gumagana rin aniyang monitoring system ang gobyerno at mayroon ding nakahandang catch-up plan para sa mga proyektong nagkakaroon ng delay.
Kasabay pa nito ang pagsusulong ng mga legislative measures na makatutulong para mapabilis ang proseso sa bawat proyekto.
Isa sa mga tinukoy ng kalihim ang isinusulong na amendment sa right of way law para matugunan ang kadalasang problema sa konstruksyon ng infra projects. | ulat ni Merry Ann Bastasa