Tinawag na Biggest Anti Corruption Law in modern times ni Budget Sec. Aminah Pangandaman ang New Government Procurement Act na pinirmahan ni Pang. Bongbong Marcos Jr. kamakailan.
Sa post SONA forum, sinabi ni Pangandaman, mas magiging transparent na ang Procurement Process gamit ang mga bagong teknolohiya.
Ang NGPA at Anti-Financial Accounts Scamming Act ay kapwa pinirmahan ni PBBM noong Sabado, July 20, 2024.
Ilan sa mahalagang bahagi ng naturang batas ay ang Most Economically Advantageous and Responsive Bid na layuning magkaroon ng mas kalidad, abot Kaya ay may pakinabang ang taumbayan.
Pinapayagan din nito ang mga nais sumali sa bidding na maipakita ang kanilang kahusayan sa pagbibigay ng Tama at mahusay na uri ng serbisyo at paghahatid ng Tama sa oras.
Tiniyak din ni Pangandaman sa publiko na ang ilalabas na rules and regulations para sa New Government Procurement Act ay magiging epektibo kasama na ang eMarkeyplace.
Ang eMarkeyplace ay isang common-use supplies and equipment na magbibigay ng mas maayos na serbisyo ng mga government primary e-commerce platform. | ulat ni Michael Rogas