Kabuuang 233 housing units ang ipinamahagi ng National Housing Authority sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Tagum City, Davao Del Norte at Glan sa Saranggani Province.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, 200 pamilya ang nakatanggap ng housing units mula sa Masandag Tribal Village Phase 1 at 2 ng NHA.
Ginawa ang proyekto sa ilalim ng Housing Assistance for the Indigenous Peoples (HAPIP) ng NHA na layong magtayo ng
pabahay sa mga lupaing pag-aari ng mga katutubo o ng local government units.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng Masandag Tribal Village Phase 1 at 2 ay mga pamilya ng katutubong Mansaka, Mandaya, Kagan, Dibabawon, Manobo, B’laan, Subanen, Kaolo, Bagobo, Hiligaynon, Higaonon, Mangguangan, Tagakaolo, at Ata-Manobo.
Samantala, ang 33 housing units ay ipinagkaloob naman sa mga benepisyaryo ng Dreamville Resettlement Project sa Barangay Kapatan sa bayan ng Glan, Sarangani. | ulat ni Rey Ferrer
📷: NHA