Target nang ma-harvest sa huling linggo ng Hulyo ang palay mula sa inisyal na 40,000 ektarya ng lupang sakahan sa Region 3.
Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen, sa ilalim ng “contract farming program,” nakapagtanim ng hybrid rice varieties ang mga magsasaka
sa Central Luzon, Cordillera Administrative Region, Region 3, MIMAROPA, Region 4B, Upper Pampanga Integrated Irrigation System o UPRIIS at CARAGA sa Region 13.
Sa pamamagitan ng contract farming program, makakapag-produce ng bigas ang mga magsasaka, na mababa ang gastos sa produksyon nito.
Kaya nitong suportahan ang pagbenta ng bigas sa halagang ₱29 kada kilo.
Bukod dito, asahan din aniya ang karagdagan pang 50,000 tonelada ng palay sa buwan ng Agosto para sa iba pang rehiyon.
Bahagi ng contract farming program, binago ng NIA ang dry season planting calendar simula sa buwan ng Oktubre.
Ito’y para makapagtanim pa ang mga magsasaka sa Pebrero ng susunod na taon at makapag-produce ng tatlong pananim ng palay mula sa parehong area. | ulat ni Rey Ferrer