Night shift differential, ipinapanukalang wag nang patawan ng buwis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Makati Representative Luis Campos Jr. ang isang panukalang batas na gawing tax free ang night shift differential pay upang mas mapakinabangan ito ng mga empleyado

Sa kaniyang House Bill 10534, nilalayon na i-exempt ang night shift differential pay sa gross taxable income.

Sa paraang ito, makukuha aniya ng empleyado ng buo ang kaniyang pinagtrabahuhan at makakatulong din panggastos sa mataas na presyo ng bilihin.

“Our bill seeks to further augment the take home pay of workers and help them cope with the soaring cost of living. This will also give more meaning to the mandates of the Constitution for the state to provide full protection to labor, promote the welfare of workers, and to assure them a rising standard of living,” sabi ni Campos.

Ang night shift differential ay dagdag kabayaran sa empleyado na nagtrabaho mula 10 PM hanggang 6 AM.

Katumbas ito ng 10 percent ng hourly pay ng empleyado na sa kasalukuyan ay pinapatawan ng buwis, lalo kung umaabot na sa P250,000 ang gross compensation per annum ng empleyado.

Sakaling maisabatas pinaka makikinabang ani Campos ay ang mga manggagawa sa graveyard o third shift kasama na ang nasa 1.7 million na business process outsourcing (BPO) employees gayundin ang mga establisyimento na bukas 24 oras tulad ng ospital, convenient stores at fast food chains. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us