Itinuturing ni Speaker Martin Romualdez na isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng defense cooperation sa gitna ng mga hamon sa rehiyon ang nilagdaang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Sa pamamagitan ng makasaysayang kasunduan ay mapapalawig aniya ang pakikibahagi ng Japan forces sa joint military exercises gaya ng Balikatan na bahagi ng regional security efforts.
Mapapalalim din aniya nito ang mutual defense capabilities at istratehikong relasyon ng Maynila at Tokyo.
Dagdag pa ng lider ng Kamara patotoo ito sa commitment ng Pilipinas sa regional stability at security.
Ipinunto din ni Romualdez na ang paglagda sa RAA ay parte ng proactive approach ng bansa para tugunan ang hamon sa seguridad at pagsulong sa rules-based international order.
“The signing of the RAA signifies a crucial moment in Philippine-Japan relations, heralding a new era of strengthened defense cooperation amid evolving regional geopolitical challenges.The RAA highlights our shared commitment to regional stability and security, strengthening our defense capabilities, and reaffirming the Philippines’ strategic partnership with Japan,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes