NKTI, nagpaliwanag sa pagkakasangkot ng isa nilang nurse sa kidney organ trafficking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumipensa ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa pagkakasangkot ng kanilang nurse sa sindikato ng kidney organ trafficking.

Reaksyon ito ng pamunuan ng ospital sa pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tatlong indibidwal sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Itinuturong lider ng iligal na aktibidad ang sinasabing head nurse ng NKTI na si Allan Ligaya, na nakakalaya pa.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, inamin ng pamunuan ng ospital na wala pa silang ginagawang aksyon laban sa kanilang nurse dahil wala pa namang isinampang kaso ang NBI. 

Nilinaw ni NKTI Deputy Executive Director for Nursing Services Dra. Nerissa Gerial, hindi head nurse ng NKTI si Ligaya kung hindi isang staff nurse lang at may 23 taon na sa serbisyo.

Inamin nilang nakausap na si Ligaya ngunit itinanggi nito ang pagkakasangkot sa sindikato at hindi rin kilala ang mga nahuli ng NBI.

Payo pa ng pamunuan ng NKTI na lumutang ito sa NBI para doon magpaliwanag at malinis ang kanyang pagkatao.

Sa ulat ng NBI, nangangalap ng mga taong mabibiktima ang grupo at inaalok na ibenta ang kanilang kidney organ para sa isang kliyente sa halagang Php 200,000. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us