Kasunod ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang lugar dulot ng bagyong Carina at Habagat.
Pinag-iingat ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang publiko laban sa sakit na Leptospirosis.
Ang leptospirosis ay impeksyong nakukuha sa paglusong sa tubig baha na kontaminado ng ihi ng hayop gaya ng daga.
Nakakamatay ang nasabing sakit o maaaring magdulot ng habang buhay na dialysis.
Para maiwasan ang sakit, kailangang magsuot ng proteksyon sa paa tulad ng bota kung hindi maiwasang lumusong sa tubig baha.
Iwasang magtapon ng basura sa ilog at kalye na maaaring bumara sa drainage at magdulot ng baha. | ulat ni Rey Ferrer