“No collection policy,” mahigpit na ipinatutupad ng DepEd ngayong panahon ng enrollment sa mga pampublikong paaralan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na mahigpit nilang ipinatutupad ang “no collection policy” ngayong panahon ng enrollment sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, dapat na walang anumang bayarin na sisingilin sa mga magulang sa pagpapatala ng kanilang mga anak.

Hinikayat din niya ang mga magulang na agad magsumbong sa DepEd kung may maniningil ng anumang bayarin.

Maaari aniyang dumulog sa pinakamalapit na division office, regional office, o sa mismong central office ng DepEd.

Ang enrollment sa mga pampublikong paaralan ay tatagal nang hanggang Hulyo 26, 2024. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us